Mga Nakakatawang Kasabihan at Kuru-kuro ng PoliTikalon Blog (Part 11)

Mula sa Ingles na titulo ng serye ng blog na ito, napag-desisyunan kong bawtismuhan ito sa titulong Filipino. At kung nagtataka kayo kung bakit ang wikang pambansa ang aking gamit, isa lang ang sagot ko: para INTENSE.

Ang mga sumusunod ang aking mga kasabihan at kuru-kurong naibahagi ko sa aking Facebook profile... Enjoy! :D


Hindi kumpleto ang TAWA kung hindi ito binubuo ng TATLONG PANTIG (3 syllables). Ha Ha Ha. - JLG.

Ngayong 2013, sigurado akong maraming politiko ang gagamit ng kantang 'Gangnam Style' bilang political jingle. Haynaku. - JLG


Mayroong katapangan sa karuwagan. - JLG.

Natawa ako sa narinig ko sa Eat Bulaga:

Vic: Gaano na po kayo katagal na nagse-security guard?
Manong: Twelve years old po. - JLG

Walang mangyayari sa sibilisasyon kung hindi kayang limutin ang mga pagkakasala ng ating mga ninuno. - JLG


Marahil natatawa na lang ang mga ALIENS tuwing may mga babaeng TAO na nakokoronahang Miss UNIVERSE. - JLG.

Natawa ako nang narinig ko ang headline: Ang bahay ni Gus Abelgas (host ng SOCO: Scene of the Crime Operatives)... ay nilooban ng mga Akyat Bahay. - JLG

Hindi na ako nagtaka kung bakit hinihikayat ng isang TV news program ang mga taong magpadala ng mga krimeng nakukunan sa CCTV CAMERAs. Nagiging mas madali ang trabaho nila. Voice over lang at voila! Balita na agad. - JLG.

Mabilis ka raw'ng makakatulog kapag uminom ka ng GATAS.
Hindi ka naman daw dadalawin ng antok kapag uminom ka ng KAPE.
Napaisip tuloy ako: Ang KAPE ko kasi, hinaluan ko ng GATAS. Maaga kaya akong makakatulog? O hindi ako dadalawin ng antok? - JLG.

Ang nararapat na kaakibat ng SARILING PURÌ... ay SARILING PALÒ. - JLG

Sa maraming pagkakataon, HINDI kayang kontrolin ng pinakaKUMPLIKADONG batas ang pinakaSIMPLENG katangahan ng tao. - JLG

Hindi pwedeng tawaging 'pinunò' ang taong palaging nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin... at sa kanyang bulsa. - JLG

Kaya siguro ang daming paraan ng tao para malibang... kasi ang buhay sa kabuuan ay nakakaumay rin. - JLG.

Ang buhay ng tao ay hindi lamang nagtatapos sa kanyang kamatayan. Ito ay nagpapatuloy kung 'di man sa kabilang buhay ay sa mga sumusunod na henerasyon. Kung ano ang mga desisyon natin at mga gawain ay lubos na nakakaapekto sa ebolusyon ng sangkatauhan. - JLG


Tuwing nakakakita ako ng mga EPAL na POLITIKO sa mga tarpaulin posters parang SINASABI nila sa akin na "TANDAAN N'YO ANG MGA PANGALAN AT PAGMUMUKHA NAMIN. HUWAG N'YO KAMING BOTOHIN". - JLG

NOON
Tanong: Ano'ng gusto mo maging paglaki mo?
Sagot ng Kabataan: Maging duktor. Titser. Nars (at iba pang uri ng propesyon).

NGAYON
Tanong: Ano'ng gusto mo maging paglaki mo?
Sagot ng Kabataan: Maging ARTISTA. - JLG


Photo Credits:

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi-EHaDRCg0hELGuymBxbBvMCNUkXn8rpDBFurbgnwZPsWx9mhjImV5qVMAtICdBrua7wSWv9uQ7q7ZcYjeIgDio7tAcWtNTFnUt0BWELDjcYmhWVLyJpud-4LaAUWCMbIeICM40fUe4uN1/s1600/576040_423931904319385_167412932_n.jpg
http://missosology.info/forum/viewtopic.php?f=3&t=148669
http://www.copyblogger.com/cowardly-entrepreneur/

Comments