Mga Nakakatawang Kasabihan at Kuru-Kuro ng PoliTikalon Blog (Part 9)

Mula sa Ingles na titulo ng serye ng blog na ito, napag-desisyunan kong bawtismuhan ito sa titulong Filipino. At kung nagtataka kayo kung bakit ang wikang pambansa ang aking gamit, isa lang ang sagot ko: para INTENSE.

Ang mga sumusunod ang aking mga kasabihan at kuru-kurong naibahagi ko sa aking Facebook profile... Enjoy! :

Kung ang buong sambayanang Pilipino ay PALAGING NAGKAKAISA tulad ng PAGSUPORTA NG LAHAT sa bawat laban ni Pacquiao, siguradong uunlad and ating bansa. - JLG

Kapag hinilot ba ng PAGÓD na MANGHIHILOT ang kanyang sarili, MAWAWALA ba ang kanyang pagod o LALO lang siyang MAPAPAGOD? - JLG

OK lang ang CHEAT DAY sa DIET... 'Wag lang sa RELATIONSHIP. - JLG

Maraming problema sa bansa ang siguradong masosolusyunan
kung ang bawa't isa ay nabubuhay nang 'di lang para sa sariling kapakanan. - JLG

Malamang ang tawag rin sa BASURERO na nagsasariling-kayod at ang trabaho ay 'di pirme, ay isang FREELANCER... o SELF-EMPLOYED. - JLG

WALA naman sigurong "UNTIMELY" death. Kasi walang nakakaalam sa kung hanggang anong oras pa tayo mabubuhay; tanging ang nasa Itaas lang. - JLG

Mahirap NAKAWAN ang TINDAHAN ng CCTV. - JLG

MAS MARAMI pang isyu ang mas dapat nating pag-usapan, ang PERSONAL na buhay ng iba ay dapat 'wag na nating pagtuunan. Ang mga balitang may kinalaman sa buhay ng PANGKALAHATAN, 'yan sana ang dapat na maging "Buzz ng Bayan". - JLG.

Kadalasang MAS MAHIRAP at MAS MATAGAL ang PAPUNTA kaysa sa PABALIK. - JLG



Sa mga nagsabi kay Anderson Silva na "break a leg". Ayun. - JLG.

Sa mga magbi-birthday sa Pasko, malamang magtataka sila kung ang natanggap na regalo ay BIRTHDAY o CHRISTMAS gift. - JLG.

Bawal na raw'ng magbenta ng MARTILYO sa malls.
Kaya't naisipan ng mga masasamang-loob na bumuo ng bagong grupo, ang "MASO Gang". - JLG

'Wag kang matakot na magsalita ng katotohanan.
Nasa sa kanila din naman kung maniniwala sila sa iyo o hindi. - JLG

A picture paints A THOUSAND words. So, 1,000 words x 4 = 4,000 words. Eh ISA lang ang sagot. That's why, challenging ang 4 PICS 1 WORD. - JLG

Marami siyang SINABI pero wala naman siyang NASABI.
Kaya naman pala, wala siyang SINABI. - JLG.

 
Ang MAGANDA ay TATANDÀ at PAPANGIT.
Ang PANGIT naman...TATANDÀ lang. - JLG

Ambilis na talagang MANALANGIN ngayon, isang "Like" lang, nakapagdasal ka na. Nabasa ko kasi sa isang Facebook post: "1 Like = 1 Pray". - JLG


Photo Credits:
http://images.smh.com.au/2013/12/29/5040896/art-silva-620x349.jpg
http://www.demotivation.us/media/demotivators/demotivation.us_WHY-ISNT-CHEATING-a-relationship-status-on-Facebook_136371184585.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEggQw3Ix_jz5aITQuE4h-KZmuVz8BZKrz-6RsLRT5S7i8XcgiBSBIZnmxkQ6Bcfhwxs1t84rFb9-Vk_hLSFTjfwnwJrxBRwTR0zT2A6jwcIMhXw0PR5Xlrrzf-L7_48RLY6SBAmkGYmPTgM/s320/funny-face.jpg

Comments