It is but a common knowledge that Facebook is a modern-day "social gamechanger" in the cyberspace.
Aside from Facebook's chatting feature that is non-existent in the then-famous Friendster, one can post his or her thoughts on the "Facebook Wall". Being a Facebook member since 2007, I've posted hundreds of Wall Posts that is seen by my Facebook friends.
I've made it a point not to post personal stuffs (like what I ate, what are my whereabout, and what-nots) and decided to post mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, satirical statements, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.
Majority of my posts were written in Filipino (the national language of the Philippines) on the hopes of better intelligibility among the majority of my Filipino-speaking Facebook friends.
For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.
Here's the list of my posts for the months December 2011 to February 2012.
Most break-ups lead to 'breakdowns'. - JLG.
Imbis na 'Government Project: Do Not Delay', gawin na lang nilang 'Government Project: Delayed'.
Napansin n'yo ba 'yung mga Christmas decors katulad ng mga parol, at iba pa, na 'gawa sa BASURA'? 'Yung mga tipong ni-recycle para maging kapaki-pakinabang na mga pangdekorasyon? Alam n'yo ba ang nangyayari sa mga ito pagkatapos ng pasko? Tinatambak at tinatapon din. In short, mula sa basura; nagkasilbi; at naging basura uli.
Dapat nga ba talagang tularan ang mga superMODELS?
Minsan, kapag nakakarinig ka na 'ginamitan ng gayuma'. Mag-isip muli kasi baka sinabi lang ito upang matakpan ang katotohanan na nasilaw at ginamitan lamang ng... PERA. - JLG
Sari-sari ang kulay ng mga Angry Birds: mayroong dilaw, itim, at pula. Pinalitan na rin pala ang pangalan ng Angry Bird na ORANGE. Tinatawag na siya ngayong... KWEK-KWEK. - JLG
Nagising ako isang gabi sa kagat ng mga lamok sa aking paanan. Ang ginawa ko? Binago ko ang posisyon sa pagtulog; lumipat at umikot ako ng 90 degrees para ang paa ko ay nasa dating posisyon ng ulo ko. Ang ulo ko naman, sa posisyon ng dating paanan ko. Hindi na ako kakagatin ng mga lamok sa paa kasi alam ko na na-confuse ko sila.
Kung ang mga dalubhasa sa matheMATICS ay tinatawag na matheMATICIAN, bakit ang magagaling sa phySICS ay tinatawag na phySICIST at hindi... uhmm, PHYSICIAN? - JLG
Kaya siguro maraming mga politiko ang nang-aabuso sa kapangyarihan kasi... sinasabihan n'yo ng "MORE POWER". - JLG
Isang technique sa pagpapapicture. Kapag hindi ka biniyayaan ng magandang mukha, pilipitin at baluktutin na lang ang pagngiti para kunwari, WACKY. :) - JLG.
As long as there is money, there is corruption.
Ayoko maging racist kaya sa paglalaba ko, 'yung whites ko at dekolor hindi ko na napaghihiwalay. - JLG. :)
Never ko talaga pinapansin ang taong 'yun... kasi nga naman 'di ko siya kilala.
At biglang sumingit ang isang tao, habang mayroon pang naunang nagsasalita: "Sorry pare ha, OK lang bang makapag-interrupt?".
Kaya siguro 'dumptruck' ang tawag kasi 'pag 'yung TRUCK MISMO ANG SIRA, dapat na din siyang i-DUMP.
Dapat 'di mag-alala si Justice Corona sa mga nangyayari kasi TRIALs lang 'yon. - JLG
Bakit sa tuwing natatapos ang concert ng isang musician, kapag sumisigaw siya ng "Thank You", hindi rumeresponde ang mga tao sa crowd ng "You're Welcome!"?
Ang Panday ng mga Tagalog, BAKAL ang espadang hinahawakan.
Ang sa 'panday' ng BISAYA, yari naman sa KAWAYAN. - JLG
Hindi naman talaga ligaw na bala ang 'ligaw na bala'. Kasi tumama; hindi nga s'ya na ligaw kasi meron talaga siyang tinamaan.
Halos lahat ng tao'y nagsasabi na sila'y namumuhay sa isang payak at simpleng buhay. Lahat. Kahit bilyonaryo.
Bakit parang ang dali at napakabilis kung makaIYAK ng mga guests sa mga talkshows or TV interviews?
Nakakainis kapag andaming lamok ang kumakagat. Pero pinagbigyan ko na lang din kasi Chinese New Year din naman.
Huwag kayong maagpapaloko sa mga mata ng INTSIK. Kahit na maliit at singkit ang kanilang mga mata; hindi ibig sabihing MALIIT ang kanilang KITÀ. - JLG.
Kumpleto nga ang pamilya, wala namang makain...
May makain nga, 'di naman kumpleto ang pamilya. - JLG
Sa aking paggising minulat ko ang mata ko, at wala akong ibang makita kundi itim. Pagkatapos ng ilang segundo; buti naman at nalaman kong patáy lang pala ang ilaw. Akala ko, BULÁG na ako. Hindi pala totoong nakakabulag ang pagtulog habang basa pa ang buhok.
Kinukutya ang mga BOBO dahil wala raw'ng alam.
Sinusungitan naman ang MATALINO dahil masyado na raw'ng nagmamayabang.
Hindi 'SKY'.
Ang sagot sa pagbati na "What's up?". - JLG
Isa na marahil sa rason kung bakit 'man's bestfriend' ang mga aso ay dahil hindi sila marunong... magsalita.
Napansin ko lang. Habang naglalakad ako pauwi, andami kong nakita na mga couples na magkahawak ang kamay, sweet na sweet, and iba nagkikilitian pa sa daan. Malamang, malapit na ang Valentine's Day... GANUN?
Minsan ang pinakamatinding SIGAW ay ang KATAHIMIKAN. - JLG.
Ang mga lalaking nanonood daw sa concert ni JUSTIN BIEBER ay mga BAKLA.
Pero sa mga tagapanood sa basketball games ni KOBE, ang tawag sa kanila... BASKETBALL FANS. Ganun? - JLG.
Marami raw ang namamatay sa MALING AKALA.
Ang sabi ko naman, statistically speaking, mas marami pa rin ng dahil sa DISEASE-CARRYING MOSQUITOES. - JLG.
Ang most visited na tourist spot ng KAHIT NA ANONG SIYUDAD sa Pilipinas ay ang kanilang mga MALLS. - JLG.
Sa mga 'di nakakaalam kung ano ang BLACKBOX ng eroplano, ito 'yung device na nagre-record ng data tungkol sa plane. Sa mga PLANE CRASH, ito ang palaging nare-retrieve INTACT; napakatibay at hindi nasisira... Kaya nga naisip ko, bakit hindi nila kayang gumawa ng eroplano na sintibay ng BLACKBOX? - JLG.
Oh, come on! VEGETARIAN din naman ako ah. Kasi 'yung kinain kong karne ay mula sa isang BAKA na kumakain ng DAMO. - JLG.
Comments
Post a Comment
After commenting, please subscribe by adding your e-mail to receive free updates from this weblog. Thank you.