Funny Facebook Wall Posts of JR Lopez Gonzales (Part 4)

It is but a common knowledge that Facebook is a modern-day "social gamechanger" in the cyberspace.

Aside from Facebook's chatting feature that is non-existent in the then-famous Friendster, one can post his or her thoughts on the "Facebook Wall". Being a Facebook member since 2007, I've posted hundreds of Wall Posts that is seen by my Facebook friends.

I've made it a point not to post personal stuffs (like what I ate, what are my whereabout, and what-nots) and decided to post mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, satirical statements, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.

Majority of my posts were written in Filipino (the national language of the Philippines) on the hopes of better intelligibility among the majority of my Filipino-speaking Facebook friends.

For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.



August 9


Ang pinakamura, pinakaepektibo, at pinakamadaling paraan ng PAMPAGANDA ay ang... pagpapaganda ng kalooban. Huwag nang mangamba dahil siguradong may mahuhumaling sa iyo.


Minsan kakatuwa ang karamihan sa mga magulang: Halos IKAHIYA, IPAGTABUYAN, at HINDI KILALANIN ang mga anak kapag nakagawa ng matinding kasalanan at pagkakamali. Sa parehong extreme na level, napakaPROUD naman nila kapag nakagawa at nakapagkamit ng gantimpala ang mga anak...


Sino sa kanila ang mas dakila? Ang matalinong nagpakabobo o ang bobong nagkunwaring matalino?


August 7


Minsan sa mga bagay-bagay, 'di na kailangan pa ng KATALINUHAN. Common sense lang, pwede na.

Hindi ba't nakakailang kapag nabahing ka nang dahil sa sarili mong amoy? Ang galing ng katawan ng tao; kahit 'di ka minsan conscious ay gumagawa ito ng paraan para ipaalam sa iyo na kailangan mo nang maligo.


Kapag nagkamali ang isang tao at inako niya ito, minsan mas mainam na huwag nang sirain pa ang katapatan nito sa pagdadagdag pa ng isang pagpapaliwanag.




Pagod na akong makinig sa mga taong palaging nagsasabi na "I'm Proud to be Pinoy","I'm Proud to be from Andres Fields Elementary School","I'm Proud to be BanggIITan", atbp. Hanggang PRIDE na nga lang ba tayo? Ako? Happy na ako na naisilang ako at napabilang sa sangkatauhan; other than that ang tanong dapat natin ay: Ano ang NAGAWA ko bilang Isang PINOY, bilang graduate ng ANDRES FIELDS ELEMENTARY SCHOOL, bilang BANGGIITAN? May naitulong ba ako sa kanila o nakikisakay na lang ako sa pride na ito?


Magbiro ka sa lasing wag lang sa bagong gising... na lasing.


Ano kaya ang makikita sa salamin kapag ito ay nakaharap sa kapwa niya salamin?


Kung ang kaliwa at kanan na mga tsinelas ay palaging "unahan nang unahan" ayon sa bugtong, sino kaya ang nananalo sa kanilang karera?




Kung lahat ng PROBLEMA ay may SOLUSYON; bakit marami sa atin ang nahihirapang solusyunan ang attitude 'problem'?


Sa maraming paraan hindi nagiging epektibo ang mga salita sa pagpapahayag ng tunay na damdamin at layunin ng isang tao.


Tipid tip sa mga taong pagod nang magmake-up: Wear a "customized" mask. Kung gusto mo ng instant beautiful kilay with lipstick na face, oh, suotin mo lang, at voila! Tipid talaga sa foundation, sa powder at iba pa, reusable pa.


Ano kaya ang mangyayari sa tao kapag hindi niya pwedeng kamutin ang isang makating-makati na parte ng kanyang katawan?


If you're happy and you know it... you DON'T need to clap your hands.


August 5


Christopher Lao "should have been informed"... that there was a flood.


August 4


A twist in one of my previous posts:


NOON: Hindi lahat ng lalake ay gwapo.
NGAYON: Hindi lahat ng GWAPO ay LALAKE.




Likas sa tao ang pagiging palpak sa buhay. 'Di normal kapag palagi ka na lang tama sa iyong mga desisyon, gawain at pag-iisip. Ang mas importante ay ang pagbangon mo sa pagkakadapa. Ang pagbabago ng mga maling nagawa upang makapag-umpisa muli sa paghahangad na hindi na maulit pa ang pagkakalugmok. Nang sa bandang huli, kapag naaalala mo ay masasabi mo sa iyong sarili: "Wow. Nakayanan ko pala ang lahat ng 'yon!".


English translation of "Nasa sapĂ  lang" = JUST IN River.


August 3


Lubha ngang ilusyonado ang sangkatauhan sa paghahangad na makabalik sa nakaraan. Pilit binabalikan; pilit inaalala; mahirap malimutan. Nguni't ang totoo, kailanman ang mga nangyari na ay hindi na maibabalik pa. Bagama't 'di mali ang pagsasariwa ng mga alaala. Hinding-hindi maikakailang mas importante ang bagong umagang darating. Isang pag-asa at oportunidad na makalikha ng bagong mga alaalang MAS HIHIGIT PA sa nakaraan. - JLG


May mga taong taos-pusong naghahangad ng kasagutan kung kaya't nagtatanong; ang iba? Nagkukunwaring nagtatanong pero ang totoo'y nagpapasikat lamang pala.


Sa palagay ko, ang isa sa pinakaepektibo na paraan ng pag-aaral mabuti ay ang paghinto sa pagbasa ng mga posts na kagaya nito at paghinto ng pag-FACEBOOK.




Kailanman 'di natin malalaman ang tungkol sa lahat ng bagay, pero pwede tayong MAG-ISIP na alam natin ang lahat ng bagay.


Ang mananahi ay nagwalis. Translation: TAILOR SWEEP.


Come to think of it, hindi dapat HOMELESS ang mga tawag sa mga taong walang bahay. Dapat "houseless".


Computer Talk: Minsan nagtaka ako, kapag ide-delete ba natin ang RECYCLE BIN, makikita mo pa rin ba ito sa RECYCLE BIN?


Ang mga katagang walang mintis sa pagpapangiti at nakapagpapasaya ng mga estudyante: WALANG PASOK!


Sexist Language: "Tunay na Lalake". 'Di ba medyo biased ito? Ibig sabihin lang ba nito, ang mga lalake lang ang marunong tumupad sa usapan? At bakit 'di tayo nagsasabi ng: "Ang galing-galing mo. May prinsipyo ka. Talagang TUNAY KA NA BABAE"?


Ang bawat araw na dumarating sa isang tao ay isa nang HIMALA.


Kung hindi mo maintindihan ang PANANAHIMIK ng isang tao, paano pa kaya kung magsalita na siya?


August 2


FACEBOOK Talk: Bakit nga ba tayo nagsusulat at nagpapahayag ng damdamin sa Facebook WALL? Sulat tayo nang sulat, type nang type ng kahit na ano. Eh 'di ba, bawal ang magsulat sa WALL? Vandalism 'yon.


August 1


Sino'ng mas magaling kay CAPTAIN America? Eh 'di si GENERAL America.


Kung si Spider-Man ay may web-slinging skills, si Superman naman ay flight, superstrength, X-ray Vision at superspeed, ang kay CAPTAIN AMERICA naman ay... "Never Giving Up".


Ang pinagmulan ng lahat ng SUNOG ay... apoy.




Picture Credits:
Pictures were video captures from The Godfather Part 2, NigaHiga, Glee, and Facebook.

Comments