Word of Thanks 16: 1 Million Views on YouTube (Message in Filipino)

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng aking mga minamahal na tagasuporta. Ang ating YouTube channel na THE POLITIKALON BLOG ay nakatawid na po sa ika-1,000,000 na views. 🍷

Ako po ay masayang-masaya ngayong araw dahil itinuturing ko po ito bilang isang milestone sa aking vlogging career.

Marami na po tayong pinagdaanan sa 1 1/2 taon ng vlogging: exclusive vlog feature sa kampanya ni Pres. Duterte, exclusive vlog feature sa 65th Miss Universe, mga travel vlogs, sports coverages ng Southeast Asia Bastketball Association Championships, exclusive coverage sa MMA matches, countless concerts, at mga seminars sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Maraming salamat sa mga nakisama sa aking mga vlogging adventures. 🌏

Pagkatapos ng 13 seasons ng The PoliTikalon Blog TV, 2 action cameras, 2 digital compact cameras, 1 lumang DSLR,96 video uploads, at libu-libong milya nang mga biyahe at mga paglipad - nakapagtaya na po tayo ng vlogging achievement. 📹

Maraming salamat po sa inyong lahat. Ako po ay inyong nabigyan ng inspirasyon. Mabuhay po tayong lahat! 🇵🇭

~ JR Lopez Gonzales
Admin, The PoliTikalon Blog
https://www.youtube.com/politikalonblogspot



Comments

Post a Comment

After commenting, please subscribe by adding your e-mail to receive free updates from this weblog. Thank you.