Ito ay isang sanaysay na isinulat ko ngayon lang; tungkol sa aking karanasan noong bata pa ako. Ito ay isang personal na artikulo.
Summer break 'yon at mag-ge-Grade 6 na ako nang nagkaroon ako ng munting trabaho: sa isang encyclopedia stall. Napadaan lang ako noon sa stall at nagbasa-basa ako ng mga Grolier books; tinanong ako ng ilang mga trivia questions at nasagot ko nang tama ang mga ito. Pagkatapos noon, kinausap ng lalaking may-ari ang mama ko kung pwede raw ba akong maging ahente nila. Swerteng pumayag din ang papa ko.
Araw-araw akong bumiyahe mula sa bayan namin, papuntang Koronadal City, upang maging batang ahente. Ang naging trabaho ko ay ang lumapit sa mga mall-goer at umalok sa kanilang bumili ng Grolier Encyclopedia. Meron akong mga prepared lines at ang goal ko ay maka-fill-up sila ng mga order forms namin.
Masyadong mahal ang mga encylopedia noon. Siguro mga nasa 24,000+ pesos. Kapag atrasado sila sa presyo ng mga encyclopedia, second offer ko ang isang set ng I WONDER WHY books. Iba't-ibang tao ang aking nilalapitan, kadalasan, mga nanay. Kapag napapayag ko sila; siyempre, bibili sila ng encyclopedia sets. Pwede rin silang puntahan ng demo team tungkol sa mga produkto namin, kung gusto nila.
Kuha habang sumasayaw noong nasa Grade 5 pa ako. |
Araw-araw akong nagbi-biyahe at pumapasok sa opening hours ng mall. Nagdadala ako ng sarili kong baunan para sa pananghalian. Kasama ko ang ibang mga bantay rin ng stalls sa karenderya. Sumasakay ako ng bus, wala pang 7:30 AM. Umuuwi ako nang mga 4 or 4:30 PM; mag-isa.
Bagama't hindi ganun kalaki ang isinahod sa akin, ang importante para sa akin, ay ang karanasan kong iyon tungkol sa pagkayod at sa pagkakaroon ng work ethic. Hindi ako pinagtrabaho dahil wala kaming makain, pinayagan ako dahil isa iyong nakikitang mabuting training sa akin. At dahil doon, nagpapasalamat ako sa mga magulang ko sa pagkakataong iyon.
Marami nang nagbago; wala nang mga Grolier Encyclopedia akong nakikita sa mga puwesto sa mall. Subalit, nakatutuwa pa ring malaman na meron pang I WONDER WHY na libro gaya nito. High-tech na rin ngayon kasi meron na silang electronic pen na kasama ng libro. Balang araw, kapag nagkaroon din ako ng sarili kong mga anak; ibibili ko sila ng I WONDER WHY - o pwede ko rin silang ipag-ahente ng mga encylopedia sa mall.
Comments
Post a Comment
After commenting, please subscribe by adding your e-mail to receive free updates from this weblog. Thank you.