It is but a common knowledge that Facebook is a modern-day "social gamechanger" in the cyberspace.
Aside from Facebook's chatting feature that is non-existent in the then-famous Friendster, one can post his or her thoughts on the "Facebook Wall". Being a Facebook member since 2007, I've posted hundreds of Wall Posts that is seen by my Facebook friends.
I've made it a point not to post personal stuffs (like what I ate, what are my whereabouts, and what-nots) and decided to post mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, satirical statements, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.
Majority of my posts were written in Filipino (the national language of the Philippines) on the hopes of better intelligibility among the majority of my Filipino-speaking Facebook friends.
For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.
Aside from Facebook's chatting feature that is non-existent in the then-famous Friendster, one can post his or her thoughts on the "Facebook Wall". Being a Facebook member since 2007, I've posted hundreds of Wall Posts that is seen by my Facebook friends.
I've made it a point not to post personal stuffs (like what I ate, what are my whereabouts, and what-nots) and decided to post mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, satirical statements, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.
Majority of my posts were written in Filipino (the national language of the Philippines) on the hopes of better intelligibility among the majority of my Filipino-speaking Facebook friends.
For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.
February 24
Maybe the reason why most people don't follow God is because he doesn't have a Twitter. - JR Lopez Gonzales
February 28
Isang kwentong katatawanan: Bobo ang aktibista na noong inutusang mag-rally laban kay GMA, ay nag-ipon-ipon at nagwelga sa harap ng GMA Network.
Ang droplet ay pwedeng pumatak, nguni't hindi pwedeng "lumubog" sa dagat.
Kung iisipin talaga natin, walang isang babae na matatawag ng lahat ng tao na "pinakamagandang babae sa buong mundo".
February 27
Nahulaan din kaya ng manghuhula na siya ay magiging isang manghuhula balang araw?
Kung ang tawag ng pari sa madre ay sister? Bakit ang tawag ng madre sa pari ay "father"? 'Di kaya dapat "brother"? At kung tito mo naman ang pari, ano ang tawag mo sa kanya? Father o Uncle?
February 19
PINOY PRIDE: 'Yan lang ba ang meron sa Pinoy?...Pride?
Sa aling key ang 'vocal chord' mo?
Februrary 10
Isang kwento mula sa tahanan namin.
Sabi ni Mama: "JR, kanina ka pa diyan sa harapan ng hapag, 'di mo pa rin kinakain ang ulam. Kung ahas yan, kanina ka pa tinuklaw".
JR: "Hindi ah. Kasi ang mga ahas, 'di naman manunuklaw agad, 'pag natapakan lang o nasaktan, d'yan lang sila manunuklaw".
Mama: Sumbong kita ke Papa mo.
[kinain ko na agad ang ulam.]
Minamahal mo ang tao dahil sa iyong utak. 'Di dahil sa iyong puso. Kasi ang puso ay nagpapatakbo lamang ng dugo para makacirculate sa katawan.
Kung sino man ang nagsabi sa paghahanap sa isang tao sa isang silid ng: "May tao po ba? Ay, wala palang tao." Siya ay nagkamali. Kasi may tao pa rin. Siya.
Ang taong "average" lamang ay pinakamagaling sa mga mahihina at pinakamahina sa grupo ng mga magagaling.
Record-breaking daw yung Takbo para sa Pasig noon nakaraan taon. Mahigit 100,000 tao daw ang nakilahok. Sa dami nilang yun, kung sana naglinis silang lahat eh di, malinis na ang Pasig ngayon...
Malamang ang silbi ng panaginip ay para mayroon tayong maikumpara sa katotohanan.
Hindi na raw magpapamigay ng condoms ang DOH this Valentine's Day. Siguro kasi hindi nagustuhan ng mga tao kasi hindi ultra thin.
Nung nagpalitrato kami sa beach, ang sabi ng photographer, "Oh, jumpshot naman!". Sabi ko, "Ok. Ako yung may hawak ng bola, kayo kunwari nakabantay sa jumpshot ko".
February 9
May silbi pa nga ba talaga ang mga posthumous awards? Ang mga parangal na binibigay sa mga taong patay na.?
February 8
Kung si Elvis ang The King. Si Freddie Mercury ang The Queen. :-)
Hindi na pwedeng tumambay si Angelo Reyes sa LIVING room.
February 4
Kaya siguro kaunti lang ang mga nahuhuling kriminal kasi Most WANTed sila. Mas epektibo siguro kapag MOST NEEDed.
July 31
Bakit nga ba nam-iimbita pa tayo na KUMAIN sa mga tao habang kumakain tayo kahit na alam naman nating kaunti lang at para lamang sa isang tao ang kinakain natin?
July 30
Marami ang nasadlak sa piitan ng kahirapan habang ang mga mayayaman ay nakulong ng sarili nilang salapi.
July 29
Naniniwala akong may silbi kung bakit mas mabilis magproseso ang UTAK kumpara sa BUNGANGA. 'Yan ay sa kadahilanang kailangang MAG-ISIP MUNA bago MAGSALITA. Lubha ngang matalino ang personang dumisenyo ng sistemang ito. Kung kaya't maging mapagmatyag sa kung anuman ang salitang bibitiwan ng bibig dahil ang mga pilantik ng dila at huning nagagawa ng ating mga labi ay kailanman 'di na mababawi pa.
July 28
A comparison of Bisaya and Tagalog DICTIONS on the word, "noodles":
Bisaya: Ayo... Papalita ko ug "nuduls".
Tagalog: Tao po... Pabili po ng "nuDELS".
Wala'y problema kung Bisaya, basta sakto ra ang diction.
Ang isang napakagandang ideya na nagmula sa isang brilyanteng utak ay nagiging WALANG KWENTA sa pandinig ng mga mangmang.
Natanggal na ang Philippine AZKALS sa FIFA Qualifiers. In short, sila ay "na-PUTBOL".
Ano ang sabi ng nangto-torture sa taong kanyang sinasaktan? ARAY MO, GALING KO!
Kumakain kaya ng BERDENG gulay ang isang Atenista?
Pangalawang hirit sa pagka-oldies (courtesy of Princess Mae Chua): Ano ang nilalaro n'yong childhood games dati? a) Chinese Garter b) Patintero c) Tumbang Preso d) Simpleng Habulan e) Jackstone f) Thumb-wrestling g) Suntukan (LOL) h) Sabunutan (for girls) i) Luksong Tinik j) Taguan
Ano ang natural na hugis at anyo ng tubig?
Sa mga kababata / kaedad / at kapanahon ko lamang ang tanong na ito. Alin ang pinakapaborito mo na chicheria? a) Sinbad b) Tomi c) Buchoy d) Pipo e) Bobot OR f) I Won! I Won! ?
Ano kaya ang uri ng ligaya ang nakukuha ng mga batang pinapalaro ng mga magulang ng baril-barilan? Pangalawang tanong: Anong values ang nai-instill natin sa mga bata sa uri ng laro na ito?
Noon, Hindi lahat ng babae ay maganda. Ngayon? Hindi lahat ng maganda ay BABAE.
Ang paggasta ng pera ay nakadepende sa kanyang kinikita o natatanggap. Kapag kaunti lang ang pera, napagkakasya ito. Kapag may kalakihan naman ang kita, lalaki rin ang gastos at dadami ang mga kailangan at kagustuhan.
May mga taong kumakain para sa sobrang sarap ng lasa, ang iba naman ay kumakain para mabusog, ang iba naman ay para magkalaman ang tiyan, at ang iba, para lamang mabuhay pa ng isa pang araw.
Mayron kayang banyaga na katulong sa isang Pilipinong pamamahay?
July 26
Masasabi ko lang na maunlad na nga tayong mga Pinoy kung WALA NANG MGA TINITINDA NG TINGI-TINGI. -JLG
Mag-ingat sa mga taong mapagmayabang sa kanilang kakayahan. Nguni't mas lalong mag-ingat sa mga taong lubhang mas malaki pa ang yabang kumpara sa kanilang tunay na kakayanan.
Ang pag-ibig ay isa ngang kahibangan. Kailanman ang taong umiibig ay nawawala sa kanyang wastong pag-iisip. Ang rasyonalidad at lohika ay naiisantabi; nabubulag ang nagmamahal sa mga bagay sa paligid dahil ang importante ay ang bukal na damdamin tungo sa kanyang iniirog.
July 25
Lagi na lang nagra-rally ang mga aktibista laban sa Pangulo. Pero ang mga pangulo 'di naman nagra-rally laban sa mga aktibista.
All in a day's work: In one of my Political Science class, I've posted a question, "Is the Philippines a 'state' or a 'nation' ?". One confidently answered, "Both... Because there's a STATE of the NATION address"...
Bakit malamig ang HOT Fudge Sundae ng McDo?
Bakit marami sa atin ang bumili ng isang gamit dahil sa brand lamang imbis na dapat ay sa kalidad ng produkto?
Tagal na nating umiinom ng Milo with "Olympic Energy" pero kailanman 'di pa tayo nakapagkamit ng Olympic Gold Medal.
Bagong idea ko for a new reality show: Biggest Gainer. Sino'ng sasali? Mga anorexic!
Minsan sa pagtanda, kakalungkot isipin na andami na'ng mas bata sa 'yo.
Sarap na sarap si Coco Martin sa kape kaya siguro naapektuhan ang diction: "YAHMMY"!
Ba't kaya? Kapag panalo ang Azkals daming balita. Nang natalo laban sa Kuwait tahimik ata ang media...
July 24
The Philippine Azkals is battling against Kuwait. Talk about what 'Azkals' really mean: underDOGS.
July 23
Want to have a "greener" Earth? Easy. Remove humans.
Picture Credit:
http://www.mediabistro.com/alltwitter/3-tips-for-writing-a-killer-twitter-bio-to-get-targeted-followers_b133
http://www.michelejonesart.com/gallery.html
http://www.michelejonesart.com/gallery.html
Comments
Post a Comment
After commenting, please subscribe by adding your e-mail to receive free updates from this weblog. Thank you.