Funny Facebook Wall Posts of JR Lopez Gonzales (Part 5)

It is but a common knowledge that Facebook is a modern-day "social gamechanger" in the cyberspace.

Aside from Facebook's chatting feature that is non-existent in the then-famous Friendster, one can post his or her thoughts on the "Facebook Wall". Being a Facebook member since 2007, I've posted hundreds of Wall Posts that is seen by my Facebook friends.

I've made it a point not to post personal stuffs (like what I ate, what are my whereabout, and what-nots) and decided to post mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, satirical statements, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.

Majority of my posts were written in Filipino (the national language of the Philippines) on the hopes of better intelligibility among the majority of my Filipino-speaking Facebook friends.

For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.

May 16

Meron din kayang malinis na germs?

Pinagalitan ako ng mama ko, kasi raw bakit 'di ako nakapikit habang nagdadasal; sabi ko naman: "Paano n'yo po nalaman?"

May 14

Hindi na kinakailangan pang kontrolin ang matalino at edukadong populasyon.


Sa korte, ang isa sa pinakamataas na uri ng pruweba ay ang testimonya ng saksi samantalang sa mata ng agham, ito ang pinakamababang uri ng pruweba.


May 13

Kung talagang purung-puro at organic ang kanilang produkto, bakit nakasilid sa plastic bottles?

May 9

Hinding-hindi na ako magsusugal... pustahan pa tayo!

Nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil sa mura kong edad, natanto ko sa aking sarili na hindi ako ang pinakagwapo, hindi ako pinakamayaman, at hindi ako ang pinakasikat na tao sa buong mundo.

Si Coach Freddie Roach lamang ang Amerikanong alam ko na habang nagsasalita, ay mayroon pang English subtitle.

May 8

MOSTLY sa ginawa ni MOSLEY ay tumakbo.

May 7
Go Mosley! Dapat natin siyang i-cheer kasi mas kakailanganin niya yun laban kay Pacquiao. :-)

Kapag ang isang mabait na tao ang pinag-aral siya ay malamang magiging matalinong mabait. Nguni't kapag ang tarantado ang pinag-aral mo, siya ay magiging tarantadong edukado. Tarantado pa rin. Edukado nga lang.

May 6

Nagiging 0% daw 'yung crime rate ng 'Pinas tuwing lalaban si Pacquiao. Kahit na nga basagulero nga eh, napapatigil para manood ng maatikabong ...suntukan.

Ang ganda ng balita ngayon: Kung ano raw ang susuotin ni Mommy Dionisia sa kanyang birthday AT kung anong kulay ng Hermes bag na ireregalo sa kanya ni Manny. Sus.


May 2

Pansin n'yo ba? Pagkatapos na makapag-shoot ng bola ang isang basketball player, pansinin. Siguradong bibilis agad ang takbo nito paglipat sa kabilang court.

March 30


Hindi nagkaka-heart attack ang mga taong "walang puso".

Ang mga dolphin ay bading na pating.

"Hulog ng langit" - 'Di ba si Lucifer daw ay pinatapon sa mundo mula sa langit? Siya malamang ang tinutukoy dito; kasi talaga namang nahulog siya mula sa langit.

"Ikaw ang hulog ng langit..."
March 29

Ang tawag sa isang babaeng maganda ngunit di katangkaran ay "petite". Sa Bisaya may equivalent din na word eh, "putót".

Kapag si Phil ay tumanda, dapat ay Oldhusband. Ang tawag sa magiging wife ni Phil ay Mrs. Younghusband. Pero dahil siya'y single pa, dapat Phil Youngbachelor.

Hindi lahat ng aksidente ay nakakamatay; ang iba ay nakapagbibigay pa nga ng buhay

'Pag sinabi ko bang "I don't give a damn", ako ba ay nag-bad word?


March 10

Hindi gaanong importante kung saan ka nakapag-aral, mas importante kung ano ang iyong natutunan ngayong nagtapos ka na.

Isang perpektong at masayang mundo: Taong sadistang sinasaktan ang taong masokista.

March 8

You don't need to be an expert in math to be logical.

March 7

It's odd even if it's odd nor even.

March 4

Ang sabi naman ng ad na ito, "Wala nang mas sasarap pa sa LM noodles kundi ang LM noodles". Ang tanong ko naman, "Eh 'di ang may mas masamang lasa sa LM noodles ay ang LM noodles din".

Kahit gaano pa kaganda ng mga subjects at models, kung ang pangit ang pagkakuha ng litrato, 'di pa rin maganda ang kalalabasan ng litrato. Lesson learned from Jaygie Ads and Photo Servicing.


Isa na namang halimbawa ng kasinungalingan sa TV ads: STOP BODY AGING. Ha, kaya pala?

Kahit gaano kaganda ang pelikula, kung pirated copy naman ang DVD mo, you'll never appreciate the beauty of the movie.

Sir, ano'ng frat mo?
Sagot ko: Wala eh. Pero itinuturing kong frat ay ang aking pagiging Tupinian, South Cotabateño, Iliganon, Mindanaoan, Pilipino, at residente ng mundo. Kapag swak ka sa alinman diyan, ikaw ay ka-brod o ka-sis ko.

Isang mahalagang tanong para sa lahat: Alin nga ba ang mas MAHALAGA: ang UNA o ang HULI?

Dapat hindi ituro sa bata ang nursery rhyme na "Humpty Dumpty" kasi mayroong violence sa later part.

Tinanong ko s'ya. "How are you?"
Sagot niya: I'm fine.
Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "fine"? Ano'ng fine? Sugar is fine. Sand is fine. You? Fine?

Take care daw. How can I take someone else's care? Should I take "care" or "give" care? What happens to me if I took care? Can I have more care than I've already taken? Can I take more than one care?

March 1

Merong isang babae sa labas ng bangko kanina, ang lakas ng kanyang boses habang may kinakausap sa cellphone. Naisip ko naman, kasi nga dahil sa malayo ang kanyang tinatawagan kaya nilalaksan niya ang kanyang boses.

You can never find a perfect edge of an object in this world.

A man can't have all the adjectives in the world.

Comments