JR Lopez Gonzales's Facebook Wall Post (Part 1)

Here's a compilation of my Facebook wall posts.

A batch of satirical statements, mind-tickling jokes, notions, doubts, opinions, beliefs, assertions, assumptions, mockeries, sarcasm, silliness, and other forms of bluster.

For the benefit of my blog readers who don't have the luxury of checking out my Facebook posts, I've compiled my monthly posts, these were my posts for the month of November last year. I hope that you'll enjoy the hodge-podge of these ideas and I urge you to share your comment about the posts since one can't click "Like" here.


You may check out the NETWORKED BLOGS tab on the right to connect with me on Facebook.

December 24

Naalala ko lang ang Azkals. Sabi nila ang asong pinoy ay hindi askal kundi Aspin. Pero dahil sa hindi naman purong Pinoy ang mga tisoy na 'yon, I came up with their new team name, "Philippine Mongrels."

December 21

Naranasan n'yo na ba? Habang nakaupo na sa bus. Ang bus sa kanan o kaliwa ay umandar at umatras na. Dahil dito, nagtaka ka kung alin mga ba sa mga bus ang umatras at aalis na: ang nasa kabila o ang sa sinasakyan mo?

December 18

Nabasa ko ang mga ito sa kanang bahagi ng aking screen: Account, Profile at... HOME. Oo, makakauwi na rin ako isang araw mula ngayon sa tunay kong tahanan. Miss ko na ang pamilya ko sa aking bayang sinilangan. :-)

Sabi nila, "Wow! Ayos! Para akong nasa heaven".
Sabi ko naman: Pwede ba 'yon? Nasubukan mo na bang makapunta doon para masabi mong "parang nasa heaven"?

Matulin na mananahi = Taylor Swift.

Sa halip na punahin mo ang kanyang pagiging iba sa iyo; bilangin mo na lang kaya kung sa iilang paraan kayo nagkapareha?

Minsan kakalungkot lang isipin na mas marami pa ang namatay sa buong kasaysayan ng sangkatauhan dahil lamang sa "Ngalan ng Dios".





When you ASSUME. You make an ASS out of U and ME. - Quoted from Dr. Hilton J. Aguja.

BILOG ang mundo. Ang sabi ko naman, "Hindi. Oblique spheroid ang mundo".

Sa palagay ko, hindi ang planeta ang may problema. Tayong mga tao ang may problema.

Kapag sinabi mong may sorpresa ka, may nawala na sa elemento ng sorpresa.

December 16

 
Kapag ang tao'y nagsumikap na balikan ang nakaraan; nasasayang niya ang bukas.

Ang Ama ni Manuel L. Quezon ang Lolo ng Pambansang Wika.

Namangha ako sa isang majikero. Nakaya niyang magpalabas ng salapi mula sa hangin! Pero tinanong ko sarili ko. Bakit pa siya nagtatrabaho bilang isang majikero kung kaya naman pala niyang mag-abra kadabra ng salapi.

December 13

JR's War on Waste Tip: Ang mga gameshows ay di na dapat gumamit pa ng confetti.

Bakit sa mga pelikula, kapag bumili ng isang bagay eh hindi na hinihintay pa ang sukli?

Minsan sa harap ng simbahan. Sa mga nakahilerang tiyangge, may nakita akong produkto. Pampasuwerte daw at pamparami ng pera 'yung nag-iisang pigurin na iyon. Hindi ako nahikayat na bumili. Kung ako sa kanya, 'di na niya dapat 'yon pinagbibili kasi pampaswerte 'yon eh.

Ang mga elevator ay hindi lang naman nange-e-elevate. Nambababa rin.

No comment is a comment.

December 10

Minsan pumasok ako ng isang kwarto. Tahimik. Ang sabi ko sa sarili ko, "Sa kwartong ito, wala palang tao". Ngunit napaisip akong muli... Hindi ko pwedeng masabi na ang kwarto ay talagan nasaksihan kong wala talagang tao kasi nandoon ako mismo sa kwarto. Ako 'yung nasa loob ng kwarto kung kaya't ang kwarto ay hindi pwedeng sabihin na wala ng tao.

Naalala ko lang ang sabi ng guro ko sa kolehiyo na si Dr. Hilton J. Aguja. Minsan nasabi niya sa klase, "Class, everybody has a price. Another person's price may be higher than the other but all of us has a corresponding price". - Ngayon ko lang naisip (at sana maka-respond siya). Medyo hindi totoo. Kasi. Marami rin sa mga tao... ang WALANG ka-presyo-presyo. :-)

Sabi ng estudyante sa guro: Grabe naman, sir. Kay liit-liit na pagkakamali lang nga eh. Ni hindi naman yan importante. May deduction na kaagad!
Sagot ng guro sa estudyante: Oo nga. Kay liit-liit na detalye, ke simple-simple, hindi mo pa naitama...

Isa sa mga nakakalungkot na bagay sa mga litrato ngayong panahon. Medyo mahirp nang i-appreciate ang mga litratong digital dahil sa ito ay pwedeng i-process. Parang ang linya, ganito: "Wow! Astig ng picture pre ah!" Next comment: " Hindi ba finotoshop yan?"

If you are NIT; you are E !

Kinakailangan ko munang umidlip bago makatulog. Hindi talaga ako nakakatulog kapag hindi muna ako nakaidlip. 'Yan ang ritwal ko bago matulog... UMIDLIP.

Bakit ang Philippines ay nag-uumpisa sa "PH" samantalang an Filipino naman ay sa letrang "F"?

Kung hindi na matutuloy ang isang pangyayari na gagawin sa hinaharap, ano ang pangyayaring hindi na mangyayari? O may nangyari nga ba dahil ang gagawin sa hinaharap ay hindi na mangyayari...?

One thing I don't like about our cuisine: Bakit hindi "binabalatan" ang shrimp sa ating mga ulam?

It is better to give than to receive. Major principle behind boxing.

What calendar did Jesus Christ use in his lifetime?

Kapag ikaw ay nakapagtrabaho na; doon mo lang malalaman at mararanasan kung gaano kahirap ang mga napagdaan ng iyong mga magulang sa pagtaguyod sa 'yo.

DEADEND: Decent signages to tell us that we are going nowhere beyond that point.

Kung UNIDENTIFIED and "U" sa UFO, bakit mabilis tayong tumukoy rito na "aliens" nga ito. Unidentified nga eh!

What is "Filipino Time"? Kakainis. Yesterday I've set a schedule for my screening of student publication and I indicated that they should come at 4PM SHARP. Kasi I feel it is stupid to set it at 3PM (Which would give them the thought that they could come at 4 because of the Filipino Delay Time). Stupid. Parang niloloko lang natin ang ating sarili. 4PM is 4PM. Ganun dapat.

Bakit ang mga horroscope ay hindi specified? General, broad, and sweeping statements lamang na pwede sa lahat. Kaya ako nga, minsan, binabasa ko ang LAHAT ng horroscope para mas swerte. Kidding. I don't believe in horroscopes unless it would say: The day is Friday, you will ride a yellow jeepney this day with the plate number LX-5433.That's a real horroscope! Speaking about clairvoyance!

December 9

Isinilang ako sa isang Ilonggong ama at kalahating-Ilocana na ina. Ang sabi naman ng papa ko; ang lolo ng lolo ko ay isang kalahating-Español. That makes me 1/32th Spanish sa paternal side. Siguro about 3.125% sa father side. Hindi ko na rin napapahalagahan 'yun kasi malamang naubos na ng mga lamok.

Sa Pilipinas, maganda ka kapag HINDI ka mukhang PINOY. True? :-)





Technically, ang mga Ilonggo ay mga Bisaya sa kadahilanang sila ay nasa Visayas at ang lenggwahe nilang Hiligaynon ay nasa linguistic group na Bisaya. Pero ask an Ilonggo kung Bisaya ba siya and you'll likely get this answer: "Hindi ah. Ilonggo ko."

Napansin n'yo ba kung gaano ka-opposite sa facial features ng mga Hapon ang mga anime na pinanggagagawa nila?

Magpasalamat ka dahil may mas pangit pa sa iyo. Sila ang naging rason kung bakit ka naging maganda o guwapo. Theoretically, kung lahat tayo ay pare-pareha ng mukha, hindi natin malalaman kung maganda na ba tayo o hindi. Nature is a wise equalizer don't you think? :-)

Isa sa mga itinuro sa akin ng buhay ng maging guro na ako... ay ang pag-ngiti sa mga estudyante sa hallway habang nakakasalubong sila. :-)

Isang halimbawa ng pagka-makasarili ng tao. Kapag may group picture, ang unang titingnan ay kung nandiyan siya sa litrato. Pangalawa, kung maganda ba ang kanyang kuha, posisyon, o ngiti. :-)

Have you seen the TV ad of a certain facial wash? That it stops aging TWENTY LAYERS down the skin?! That's a straight lie. Yet BFAD can't ban them from airing those kinds of lies. You know why? Because BFAD can only reprimand those products that go down the skin layers; not topical ointments as such. BFAD can't basically stop those anti-ageing creams for the reason that those definitely do not work.

One of my favorite redundancies: Security Guard.

Sabi niya sa akin: "What's on your mind?".
Sabi ko naman: "What's on yours?".
Trying to make a conversation with Facebook.

There's no such thing as a problems of the poor, problems of the rich, Filipino problem, economic problem, racial problems, social problem, racial problem, Muslim-Christian problem. Nothing. Nada. Only HUMAN problems.

If "second" is the first and the most basic unit of time; what goes before "second"? There must be a "first"..

December 8

Hindi ba't ang "pinaka" na porsiyento ay hanggang 100 lamang? Bakit ang sa iba, 101% daw, 200%, 110%, 500%. Parang sobra naman yata 'yun... Parang ayaw talaga mahigitan. Kaya ang sa akin kung hindi 100% ay infinity na lang.... plus ONE. :-)

Simula't sapul tinuruan akong magsepilyo ng ngipin. Araw-araw kong ginagawa ito pero 'di ko pa rin nakakamit ang mga ngiping singputi ng mga perlas. Sino ang dapat sisihin? Hindi ba sapat ang dami ng toothpaste na nilalagay ko o talagang sinungaling lamang ang mga advertisements sa TV?

Pansinin: Sa loob ng mga establishments o opisina, kadalasang tawag ng mga empleyado sa nag-iisang security guard na nakatalaga sa kanila ay "Chief".

December 7

Sa halip na matulog sa librong pinatungan ng unan. Gumising ka na lang kaya at basahin ito.

Kapag maganda ang mga panaginip, parang ayaw na nating gumising. Nguni't mas mabuti pa ring sundin at gawin ang mga hakbang upang maabot ang ating mga panaginip...habang gising.

Araw-araw, wiling-wili tayo sa pakikinig ng musika. Habang natutulog, karamihan ay hinahayaang nakaandar ang radyo. Sa loob man ng kotse o jeep, nakakabingi ang mga tugtog ng musika. Ang iba nga ay may dala-dala pang Ipod habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Nabibingi na tayo halos sa mga huni, tunog at musika... kaya siguro marahil hindi na natin napakikinggan ang ating mga sarili.

Ang sabi ng mga Tagalog sa Bisaya:
Naku, ang tigas naman ng dila ninyong mag-Tagalog!
Ang sabi naman ng Bisaya sa Tagalog:
Pastilan! Kayâyâ ba nimo mag-Binisaya oy!

Kung handa tayong lahat at gustung-gusto ang mga dumarating na biyaya, dapat pareha din ang level ng ating pagtanggap sa masamang bagay na pwedeng mangyari.

Kapag ang mga mayayaman ang nagdeklara ng giyera; ang mga mahihirap ang namamatay.

December 3


Bakit tayo manganganchaw ng iba na mas magaling tayo na kung tutuusin, kahapon, tayo ay kulelat din at walang alam gaya nila?

Bakit karamihan sa mga Pinoy, kapag nagpapa-picture ay naka-side view?



Alam n'yo ba kung paano kayo purihin sa FB? Simple lang. Post a picture with a caption: ANG PANGIT-PANGIT KO DITO (you can rephrase it without changing the original meaning). I haven't tried this but you can if you want. I'm pretty sure you'll get all positive comments. Tell me if it worked afterwards. :-)

Hindi ba talaga pwedeng pumatay? Ang mga vegetarian ayaw kumain ng mga produktong mula sa hayop kasi it's cruelty to animals daw. Paano naman ang mga plants kung ganun? 'Di ba namamatay din ang mga yun dahil sa kanilang pagkonsumo?

Bakit natin pinapatay ang mga mamamatay-tao upang maipakita na ang pagpatay ng tao ay MALI?

One has to conquer his own self before conquering the world.

Ang pagiging mayaman or pagiging pobre ay nagsisimula lahat sa loob ng kukote.




December 2

Sa isang comic strip: Pansinin. Ang character na nasa kanan, kailanman ay 'di pwedeng maunang magsalita sa character sa kaliwa.

Ang mga teenagers, gustong magmukhang matanda; para bang nagmamadali nang tumanda. Paglaon, malalaman din nila na kapag sila'y nagkaedad na, gagawin at gagawin din ang lahat upang magmukhang bata ulit.

Ayos! 'Yung lotion na nakita ko, 100% milk daw. Kaya kaninang umaga, hinalo ko sa kape ko.

Comments